Patay ang 34 na mga alagang baka matapos silang malunod nang anurin ng tubig sa kasagsagan ng Bagyong Enteng sa Angadanan, Isabela.
Sa ulat ng Balitanghali nitong Miyerkoles, sinabing agad na umapaw ang ilog kaya hindi nailigtas ang mga baka na nasa pampang noon.
Samantala, ilang tulay sa Ilagan, San Agustin, Santa Maria at Echague ang hindi pa rin madaanan dahil sa tindi ng baha.
Sa bayan ng Roxas naman, nasira ang mga palay na malapit na sanang anihin.
Dumapa ang mga palay dahil sa hangin at nalubog pa sa baha. — Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News