Iniimbestigahan ng local government unit (LGU) ng Carmen, Cebu ang kumakalat na video ng mga buhay na tutang hinihinalang ipapakain sa mga sawa at bayawak.

Ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Lunes, napag-alaman ng LGU na kunwari ay nag-aampon ng mga tuta ang uploader ng video pero ipinakakain pala ang mga ito sa mga alagang reptile.

Natukoy na raw at hinahanap na ang uploader ng video. —KBK, GMA Integrated News