Tatlo ang nasawi, kabilang ang dalawang magkamag-anak, sa nangyaring pamamaril sa isang bar sa Tuguegarao City, Cagayan.

Sa ulat ni Ivy Hernando sa GMA Regional TV One North Central Luzon nitong Lunes, kinilala ang mga biktima na na si Wendel Quilang, 58-anyos, at Edmar Quilang, 48, residente ng PeƱablanca sa Cagayan.

Suspek naman sina Ryan Maggay at Arvin Simangan, alyas "Akkung," na tumakas matapos ang nangyaring pamamaril sa Barangay Tanza noong gabi ng July 18.

Pero kinalaunan, nalaman ng mga awtoridad na nasawi si Simangan sa ospital dahil din sa tama ng baril.

Inaalam pa ng pulisya kung sino ang nakabaril kay Simangan.

Hindi pa nagbibigay ng pahayag ang pamilya ng mga biktima, ayon sa ulat.-- FRJ, GMA Integrated News