Nasawi ang isang babaeng 57-anyos matapos siyang tagain sa leeg ng kaniyang kinakasama na 69-anyos sa Tuburan, Cebu. Ang kanilang anak, kritikal din.

Sa ulat ng GMA Regional TV News nitong Martes, sinabing nangyari ang krimen nitong madaling araw ng Lunes.

Ayon sa pulisya, nagselos ang suspek dahil sa hinala nito na mayroong karelasyon na 19-anyos ang biktima.

Tinangka ng kanilang 33-anyos na anak na awatin ang ama pero siya man ay tinaga nito at nagtamo ng malubhang mga sugat.

Nagtangka rin ang suspek na magpakamatay pero nakaligtas at nagpapagaling na ngayon.

Mahaharap ang suspek sa kasong murder at frustrated murder. --FRJ, GMA Integrated News