Patay ang isang tricycle driver matapos siyang barilin sa Barangay Bagong Barrio, Pandi, Bulacan.

Nakilala ang biktima na si Fernando Lasco, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Miyerkoles.

Ayon sa Pandi Police, namamasada noon ang biktima nang paputukan siya ng baril ng isang gunman.

Nagtamo ng dalawang tama ng baril sa batok ang biktima at agad siyang namatay.

Tinutugis na ng mga pulis ang salarin. —KG, GMA Integrated News