Dead on the spot ang mag-asawang magsasaka ng niyog sa Guinayangan, Quezon. 

Ayon sa ulat sa 24 Oras Weekend nitong Linggo, sabi sa police report na nag-aani lang daw ang mga biktima nang pagbabarilin sila ng 'di pa nakikilalang salarin. 

Tama ng bala ng baril sa ulo ang tinamo ng isa, habang sa dibdib naman napuruhan ang kanyang asawa.

Tumakas ang salarin na tinutugis pa ng mga awtoridad. 

Patuloy pa rin ang imbestigasyon. — BM, GMA Integrated News