Isang batang tatlong taong gulang ang nasawi dahil sa sunog na naganap sa Nagcarlan, Laguna nitong Martes.

Nangyari ang sunog sa isang bahay sa F. Urra Street sa Poblacion 1 dakong alas-kuwatro ng hapon.

Kasalukuyang nasa ilalim pa ng imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection - Nagcarlan Fire Station ang pinagmulan ng sunog.

Isa ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) sa mga rumesponde sa nasabing insidente.

Nakipag-ugnayan na rin ang Municipal Social Welfare and Development Office at MDRRMO ng Pamahalaang Bayan ng Nagcarlan sa pamilyang nasunugan para sa mga maaaring itulong ng lokal na pamahalaan. —KG, GMA Integrated News