Patay sa pamamaril ang isang babaeng negosyante sa Isulan, Sultan Kudarat, ayon sa ulat sa 24 Oras Weekend.

Ayon sa mga awtoridad, sakay ng kotse at paalis na ng bahay ang biktima nang pagbabarilin ng dalawang lalaking naka-motorsiklo noong Biyernes.

Tumakas ang mga salarin.

Dead on arrival sa ospital ang biktimang tinamaan ng mga bala sa leeg at balikat. Iniimbestigahan pa ang motibo sa pagpatay. — BM, GMA Integrated News