Isang pitong taong gulang na batang babae ay natagpuang patay sa masukal na lugar sa Sariaya, Quezon.

Ayon sa ulat sa 24 Oras Weekend, sinabi sa police report na pauwi na ang bata noong Sabado kasama ang isa pang batang babae nang makasalubong nila ang suspek.

Sabi raw sa kanila ng suspek, ihahatid sila sa kanilang mga magulang. Pero dinala sila sa gubat at doon binugbog at ginapos. Nakatakas ang batang kasama ng biktima.

Sumuko naman kaninang umaga ang 23-anyos na suspek sa kapitan ng Barangay Morong at umamin sa pagpatay.

Sabi ng suspek, nagdilim ang kanyang paningin at inakalang manika ang bata.

Patuloy ang imbestigasyon sa krimen. — BM, GMA Integrated News