Sandamakmak na isdang sardinella o tamban ang tumambad sa mga nag-overnight na guest sa isang resort sa Maasim, Sarangani madaling araw ng Linggo.

Ayon sa ulat sa 24 Oras Weekend, bukod sa mga residente, kanya-kanyang hakot ng isda ang mga guest para maiuwi.

Sa dami, hindi na nila alam kung saan pa ilalagay ang mga isda at marami pang naiwan nang sumikat ang araw. Labis ang tuwa ng mga residente dahil unang beses daw 'yang naranasan doon. — BM, GMA Integrated News