Nasalpok ng isang SUV ang tatlong tumatawid sa pedestrian lane sa Maharlika highway sa Sto Tomas, Batangas.
Sa ulat ng GMA News "Unang Balita" nitong Lunes, makikita sa CCTV footage ang mga biktima na tumatawid nang bigla silang salpukin ng SUV.
Nakaligtas naman ang mga biktima at nagpapagaling sa ospital.
Ayon sa pulisya, nagkaroon na ng pag-uusap ang pamilya ng mga biktima at driver ng SUV.
Sa Cebu City, isang rider ang nasawi matapos siyang magulungan ng cement mixer truck.
Sa imbestigasyon ng pulisya, sinabi umano ng truck driver na hindi niya napansin ang biktima.
Isang tricycle driver din ang nasawi sa Sariaya, Quezon matapos namang mabangga ng fuel tanker truck.
Inihayag umano ng driver ng truck sa mga awtoridad na basa at madulas ang daan kaya hindi raw kaagad kumagat ang premo ng truck at nahagip niya ang biktima.
Sa Solsona, Ilocos Norte, patay ang dalawang lalaking sakay ng isang morotsiklo matapos silang bumangga sa puno. --FRJ, GMA Integrated News