Bangkay na nang matagpuang palutang-lutang sa Abra River ang isang lalaki na 16 araw nang nawawala matapos tangayin ng agos sa Langiden, Abra.

Sa ulat ng Balitanghali nitong Huwebes, isinaad ng pulisya na posibleng sumabit ang biktima sa ilalim ng ilog kaya natagalan bago siya lumutang.

Kinumpirma ng pamilya ang pagkakakilanlan ng biktima.

Agad dinala sa punerarya ang lalaki para i-cremate dahil sa estado ng kaniyang bangkay.—Jamil Santos/AOL, GMA Integrated News