Patay na nang matagpuan ang isang estudyante sa loob ng kaniyang inuupahang kuwarto sa Iligan City, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Huwebes.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, sapilitang binuksan ang kuwarto ng estudyante matapos i-report ng kapitbahay ang masangsang na amoy na nanggagaling dito.

Nasa state of decomposition na ang katawan ng estudyante, na hinihinalang ginahasa muna bago pinaslang.

Isasailalim sa autopsy ang biktima habang patuloy naman ang imbestigasyon para matukoy ang salarin.  —KBK, GMA Integrated News