Patay ang dalawang lalaki matapos gilitan sa Imus, Cavite, ayon sa ulat ni Bam Alegre sa Unang Balita nitong Biyernes.

Nakunan pa ng CCTV ang pagdating at pag-alis ng suspek sa lugar sakay ng kaniyang motorsiklo nitong Lunes ng gabi.

Batay sa imbestigasyon, naka-tambay ang dalawang biktima sa harap ng bahay nang undayan sila ng saksak atsaka gilitan ng salarin.

Nagawa pa ng mga biktima na tumakbo sa loob ng bahay, batay sa mga litrato.

Kapwa sila dinala sa ospital pero dead on arrival ang isa sa kanila habang ang isa naman ay pumanaw nitong Biyernes ng madaling araw.

Patuloy na tinutugis ng mga otoridad ang salarin at inaalam din ang motibo sa krimen. —KBK, GMA Integrated News