Isang araw bago ang kaniyang concert, nakita ng fans si Olivia Rodrigo habang namamasyal sa Intramuros.

Isa ang netizen na si Kady Lautengco, sa mga suwerteng nakalapit at nakapagpa-picture sa pop star.

"Super bait and accommodating when I asked for her picture," ani Kady.

"I'm super happy and starstruck I saw her today," dagdag niya.

Sa TikTok, ipinost ni Kady ang video ng chance encounter niya kay Olivia na tinawag niyang "humble queen."

"Bambike tour turned into unexpected meet and greet!" saad ni Kady sa post. "Break legs at your Manila concert tomorrow Olivia!"

Dumating sa Pilipinas ang Fil-Am star nitong Huwebes kasama ang nobyong British actor na si Louis Partridge.

Ito ang unang pagkakataon ni Olivia sa Pilipinas, at hindi niya pinalampas na matikman ang halo-halo.

Gaganapin ang first concert sa bansa ni Olivia sa Philippine Arena sa Sabado, October 5.-- FRJ, GMA Integrated News