Hindi pinatawad ng mga hinihinalang kawatan ang isang bangkay na nakita sa labas ng kaniyang nitso sa isang pampublikong sementeryo sa Naga City.

Sa ulat ng GMA Regional TV Balitang Bicolandia sa GMA News 24 Oras Weekend, sinabing nadiskubre ng supultorero ang bangkay sa labas ng binutas na nitso.

Nakatiwangwang din ang kabaong ng bangkay na hinihinalang pinagnakawan.

Iniimbestigahan na ng mga awtoriadad ang insidente at naibalik na sa loob ng nitso ang bangkay. --FRJ, GMA Integrated News