Bangkay na at tadtad ng saksak  nang matagpuan ang isang dating sekretarya ng Philippine Sports Commission (PSC) sa loob ng kaniyang bahay sa Davao City.

Ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Martes mula sa ng GMA Regional TV One Mindanao, kinilala ang biktima na si Lilian del Campo Nieva, 57-anyos.

Inilahad ng pulisya na ang kapatid na lalaki ni Nieva ang nakakita sa bangkay niya matapos itong puntahan dahil hindi sumasagot sa mga tawag.

Dagdag pa ng kapatid ng biktima, nawawala ang mga alahas at cellphone ng kaniyang kapatid, na mag-isa lang nakatira sa kaniyang bahay.

May kopya na ng CCTV ang pulisya na kanilang gagamitin sa imbestigasyon. —Jamil Santos/KBK, GMA Integrated News