Patay ang dalawang magpinsan sa Davao City matapos madisgrasya sa kanal, ayon sa ulat sa 24 Oras Weekend.

Batay sa imbestigasyon, binabaybay ng mga biktima ang paakyat na bahagi ng kalsada sa Barangay Baracatan nang mawalan sila ng kontrol at pumailalim ang sinasakyan nilang motorsiklo sa sementadong takip ng kanal.

Naabutan silang wala nang buhay. Wala namang nakikitang foul play sa insidente ang pulisya. — BM, GMA Integrated News