Nagliyab ang isang nakaparadang ambulansiya matapos itong tamaan ng kidlat sa Calauag, Quezon.

Sa ulat ng GMA Regional TV Southern Tagalog, na iniulat din ng Unang Balita nitong Martes, sinabi ng Bureau of Fire Protection ng bayan na nakapuwesto ang ambulansiya malapit sa simbahan samantalang bumibili ng piyesa nito ang driver nang mangyari ang insidente.

Pinagtulungan ng mga nakatira sa lugar na apulahin ang apoy.

Sa kabutihang palad, walang sakay ang ambulansiya at walang sugatan sa insidente.

Wasak naman ang mga kagamitan sa loob nito na aabot sa halagang P100,000, ayon sa mga awtoridad.  — Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News