Isang uri ng lobo na na-extinct o nawala na sa mundo--12,500 taon na ang nakalilipas-- ang matagumpay umanong naibalik sa tulong ng siyensiya, ayon sa isang bioscience and genetic engineering company sa Amerika.

Sa isang pahayag, inanunsyo ng Colossal Biosciences na muli nilang naibalik sa mundo ang tatlong dire wolves na pinangalanan nilang Romulus, Remus, and Khaleesi.

Isang grupo ng scientist ang gumamit umano ng gray wolves, ang nabubuhay na pinakamalapit na kamag-anak ng dire wolves, bilang donor species para sa paggawa ng cell lines. Tinukoy na 15 extinct dire wolf variants ang ineted [edit] bilang donor gray wolf genome, “creating dire wolves that express genes that have not been expressed for more than 10,000 years.”

“Our team took DNA from a 13,000 year old tooth and a 72,000 year old skull and made healthy dire wolf puppies,” ayon kay Colossal Biosciences CEO Ben Lamm.

“This massive milestone is the first of many coming examples demonstrating that our end-to-end de-extinction technology stack works,” dagdag niya.

Bukod sa dire wolves, sinabi rin ng kompanya na "nakapag-paanak" o nakalikha rin sila ng ilang red wolves na itinuturing most critically endangered wolf, at itinuturing nang nanganganib na mawala. 

Naisagawa raw ito sa pamamagitan ng non-invasive blood cloning method.

Ang mga lobo ay kasalukuyang nasa isang 2,000+ acre secure ecological preserve na may sertipikasyon mula sa American Humane Society at nakarehistro sa United States Department of Agriculture (USDA).

Sinabi ng Colossal Biosciences na nagtalaga sila ng sampung full-time na staff ng animal care upang tutukan ang pisikal at mental na kalagayan ng mga lobo. —FRJ, GMA Integrated News