Arestado ang isang lalaki na wanted sa kasong attempted homicide sa Lungsod ng Maynila
Ang akusado, sinubukan pang manlaban sa pulis na umaaresto sa kanya.
Sa kuha ng CCTV sa Brgy 340, makikita ang target na nasa isang kainan katabi ang isang lalaki.
Dumating ang undercover na pulis at aarestuhin na sana ang lalaki na biglang tumayo ay akmang bubunot ng baril. Pero, bigla siyang niyakap ng lalaking katabi niya at inagaw nito ang baril ng akusado.
Habang bumunot naman ng baril ang pulis hanggang sa tuluyan nang maaresto ang target.
Bukod sa hindi lisensyadong baril at mga bala, nakuha rin sa akusado ang isang sachet ng hinihinalang shabu.
Sabi ng brgy, mayroong din cellphone na nakuha kung saan nakita ang ilang text na mayroong nag-uutos sa akusado para pumatay.
Nakatakda naman isailalim sa ballistic examination ang baril na nakuha sa akusado para malaman kung may kaugnayan ba ito sa mga nakalipas na insidente ng pamamaril sa lungsod.
Ayon naman sa akusado, may nagbabanta umano sa buhay ng kanyang pamilya.
Sa ngayon ay nasa kustodiya na siya ng Manila Police District at mahaharap din sa reklamong paglabag sa comprehensive law on firearms and ammunition na may kaugnayan sa gun ban/
Gayundin ang paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. —VAL, GMA Integrated News