Isang lalaki ang pinatay umano ng kaniyang pamangkin at saka ibinaon ang kaniyang bangkay sa septic tank sa Midsayad, North Cotabato.

Sa ulat ni Raffy Tima sa GTV "State of the Nation" nitong Huwebes, lumitaw sa imbestigasyon ng mga awtoridad na may matinding away ang biktima at suspek.

Pinagsasaksak umano ng pamangkin sa leeg ang kaniyang tiyuhin at ginilitan. Sa tulong ng apat na kasama, ibinaon nila ang bangkay ng biktima sa septic tank.

Pero nadiskubre ang krimen nang magsumbong sa pulisya ang live-in partner ng isa sa mga suspek.

Naaresto na ang limang suspek na hindi na umano nagbigay ng pahayag.--FRJ, GMA Integrated News