Nagkaubusan ng paracetamol sa isang eskuwelahan sa Malolos, Bulacan, matapos makaranas ang maraming estudyante ng pagkahilo o pananakit ng ulo dahil sa init ng panahon.
Sa ulat ng Balitanghali nitong Miyerkoles, sinabing ilang estudyante rin sa Malolos Integrated School-Catmon Campus ang isinugod sa ospital dahil sa hirap sa paghinga.
Doble-dobleng electric fan na ang ginagamit para maibsan ang init sa mga silid-aralan, at binago na ang mga oras ng klase.
Inabisuhan din ang mga guro at estudyante na uminom ng tubig para maiwasan ang heat stroke. —Jamil Santos/LBG, GMA Integrated News