Pagiging aktibo raw sa paggawa ng handicrafts ang naging sikreto sa mahabang buhay ng isang 100-anyos na lola sa Tigaon, Camarines Sur.
Sa ulat ni Jessica Calinog ng GMA Regional TV Balitang Bicolandia nitong Miyerkoles, sinabing aktibo pa rin sa paggawa ng mga produkto mula sa balat ng kahoy si Trinidad Genio o Lola Trining.
Maliban sa mga bulaklak, gumagawa rin daw ang lola ng mga bag, wallet, at keychain.
Nakatanggap na rin daw siya ng pagkilala sa mga trade fair at kompetisyon sa iba’t ibang lugar sa bansa ng dahil sa kaniyang mga produkto.
Sa ngayon, patuloy pa rin sa paggawa ng handicrafts si Lola Trining gamit naman ang balat ng mais, ayon pa sa ulat. —Mel Matthew Doctor/VBL, GMA Integrated News