Nawawala ang isang six-seater private plane sa Isabela simula pa nitong Martes ng hapon.
Ayon sa ulat ni GMA News stringer Villamor Visaya sa Super Radyo dzBB, lumipad ang naturang eroplano mula sa Cauayan Domestic Airport patungo sa bayan ng Maconacon bandang 2 p.m.
Pero hindi raw nakalapag sa Maconacon airport ang eroplano.
Ayon sa ulat, huling nakausap ang piloto ng eroplano sa bahagi ng bayan ng Naguilian bandang 2:16 p.m.
FLASH REPORT: Isang 6-seater private plane, nawawala sa Isabela | via Villamor Visaya, GMA News Stringer
— DZBB Super Radyo (@dzbb) January 24, 2023
????: 594 kHz AM band
????: https://t.co/Jl7zdr26Yg
????: https://t.co/Jy4ATG1v0v pic.twitter.com/6HCJbzEqvJ
Agad na nagsagawa ng isang aerial inspection at search ang mga awtoridad para mahanap ang eroplano pero bigo silang makita ito.
Hindi pa maikot ng mga awtoridad ang paligid ng kabundukan ng Northern Sierra Madre para alamin ang kinaroroonan ng eroplano dahil sa masamang panahon.
Isasagawa muli ang search operation bukas, ayon pa sa ulat. -- Mel Matthew Doctor/FRJ, GMA Integrated News