Kalunos-lunos ang sinapit ng isang bagong silang na sanggol na nalunod nang bigla siyang mailuwal ng kaniyang ina sa dagat sa Mariveles, Bataan.

Sa ulat sa GMA News "24 Oras" nitong Huwebes, sinabi ng mga awtoridad na naliligo sa dagat ang buntis nang bigla itong mapaanak.

Nataranta umano ang ginang sa pangyayari na dahilan upang malubog sa tubig ang bata at tinangay pa ng alon.

Tinangkang sagipin umano ang sanggol na agad na dinala sa ospital pero binawian na ito ng buhay. -- Mel Matthew Doctor/FRJ, GMA Integrated News