Buhay pa nang matagpuan ang inakalang patay na sanggol na lalaki na nakasilid sa plastic sa isang palengke sa Lopez, Quezon.
Sa ulat ni Jamie Santos sa State of the Nation, sinabing inakala noong una na patay na ang sanggol.
Nasa ligtas at maayos nang kondisyon ang sanggol, at gusto itong ampunin ng nakakita sa kaniya.
Gayunman, sinabi ng Municipal Social Welfare and Development Office na kailangang dumaan sa tamang proseso ang pag-aampon.
Hinahanap na ang nag-iwan sa sanggol. —Jamil Santos/LBG, GMA Integrated News