Balde-baldeng isda ang nahuli sa isang barangay sa bayan ng Nasugbu sa Batangas matapos ang bagyong Paeng.

Iniulat ng Unang Balita na balde-baldeng mga bangus ang nahuli ng mga residente ng Barangay Calayo matapos ang bagyong Paeng, ayon sa ulat ng GMA Retional TV Balitang Southern Tagalog nitong Biyernes.

Ayon sa ulat, sinabi ng isang opisyal ng barangay na madalas mangyari ang pagdagsa ng mga bangus sa lugar matapos dumaan ang isang bagyo.

"Usually po pagkatapos ng bagyo at nagbahaan ... at may fishpond na nakalubog o kaya may mga nakawala na isda ... kaya po nakarating dito sa Barangay Calayo," pahayag ng Barangay Calayo chairperson Guillerma Alegado.

Kanya-kanyang huli ng mga isda ang mga residente, at ang mga isda ay, bukod sa pang-ulam, ay ibenebenta din nila. —LBG, GMA Integrated News