Matapos manalasa ang bagyong "Paeng" at magdulot ng matinding pagbaha, nag-iwan naman ito ngayon ng makapal na putik at mga basura sa Noveleta, Cavite.
Sa ulat ni Mariz Umali sa GMA News "Unang Balita" nitong Lunes, makikita ang harapan ng munisipyo ng Noveleta na puno nang putik sa labas.
Marami umanong residente ang naglilinis pa ng kanilang tirahan kasunod ng pananalasa ng bagyo nitong weekend.
Ang isang residente, sinabing muntik nang abutin ng bahay ang ikalawang palapag ng kanilang bahay.
Nasa Noveleta ang Kapuso Foundation para mamahagi ng relief goods sa mga residente. --FRJ, GMA News