Isang bangkay ng babae na walang saplot sa katawan, naka-tape ang bibig at kamay ang nakita sa isang garahe sa Baguio City.

Sa ulat ni Joan Ponsoy sa GMA Regional TV "Balitang Amianan" nitong Miyerkules, sinabi ng pulisya na nakilala ang bangkay dahil sa tattoo nito na si Juliet Bajar Hesim.

Walang saplot pang-ibaba ang biktima at nakataas ang damit nang makita sa Trancoville sa Barangay A. Tabora.

"Yung mouth niya naka-tape, yung kamay niya nakatali rin ng tape. Mayroong belt sa kaniyang leeg," ayon kay Police Captain Marnie Abellanida, PIO- Police Regional Office, Cordillera.

Kinondena ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong ang insidente at naniniwala siyang malulutas ng pulisya ang krimen.

Tiniyak naman ng pulisya ang kaligtasan sa lungsod at maging sa Cordillera habang patuloy ang isinasagawa nilang imbestigasyon.--FRJ, GMA News