Ipinatawag ng mga awtoridad ang dalawang babaeng menor de edad na nahuli-cam na nagsuntukan, nagsabunutan, at naghatakan sa isang parke sa Kalibo, Aklan.

Sa ulat ng GMA Regional TV News nitong Biyernes, sinabing nangyari ang insidete noong nakaraang linggo sa Pastrana park.

Sa video, makikita ang matinding pagsasagupa ng dalawang babae. Nahubaran pa ng damit ang isa dahil sa ginawang paghila sa kaniya ng kalaban.

Makikita rin na maraming tao na nakapaligid sa dalawa pero hindi sila inawat.

Nakarating sa kaalaman ng barangay at pulisya ng Kalibo ang insidente kaya ipinatawag nila ang dalawang babaeng nagsagupa sa video.

Idinahilan ng dalawa na "katuwaan" lang umano ang nangyari at nangako silang hindi na iyon mauulit. --FRJ, GMA News