Nasawi ang isang tatlong taong gulang na bata na sakay ng motorsiklo matapos siyang tangayin ng baha sa Kasibu, Nueva Vizcaya.

Sa ulat ng Unang Balita nitong Martes, kinilala ang biktima na si Hazel Jose, na tinangay ng tubig sa isang overflow bridge.

Lumabas sa imbestigasyon na sakay ng motorsiklo na minamaneho ng kaniyang tiyuhin ang bata at ang kaniyang ina, nang tangayin sila ng tubig.

Nakaligtas ang kaniyang ina at tiyuhin, pero hindi ang bata. —Jamil Santos/VBL, GMA News