Napaanak ang isang buntis sa kasagsagan ng sunog sa isang ospital sa Butuan City, ayon sa ulat ng Unang Balita mula sa GMA Regional TV One Mindanao nitong Lunes.

Habang inililikas daw ang mga pasyente palabas ng ospital ay dumating ang buntis na malapit nang manganak.

Ayon kay Dr. Carissa Cay Castanio, nakita niyang nakalabas na ang ulo ng bata kaya tinulungan niya ang buntis at pinaanak sa labas ng nasusunog na ospital.

Matapos ang sunog ay ipinasok din agad sa ospital ang ina at ang babaeng sanggol at ngayon ay nasa ligtas nang kalagayan. —KBK, GMA News