Makalipas ang dalawang taon ng pagkansela ng dahil sa pandemya, ngayong araw ay muling ipinagdiwang ang makulay at masayang Pahiyas Festival sa bayan ng Lucban, Quezon.
Ang Pahiyas Festival ay ipinagdiriwang sa karangalan ng patron ng mga magsasaka na si San Isidro Labrador.
Ito ay pasasalamat ng mga taga Lucban sa masaganang ani. Kilala ang bayan ng Lucban sa mga produktong agrikultura dahil sa mayaman nitong lupa. Nasa paanan ng bundok Banahaw ang bayan.
Ang Pahiyas Festival ay pinaghahandaan ng mga taga Lucban. Ibinibida dito ang kanilang mga inaning gulay, prutas at palay. Ipinapakita rin dito ang pagiging malikhain ng mga taga Lucban dahil sa magarbong mga dekorasyon sa bawat tahanan.
Tampok ang Kiping o Rice Paper na pangunahing ginagamit na pahiyas o palamuti. Ang Kiping ay bigas na malagkit na giniling at hinulma sa dahon upang magkaroon ng disenyo.