Tatlong katao ang nasawi, habang limang pa ang sugatan nang mabangga ng container van ang dalawang sasakyan, bagon sumalpok sa pader sa Baguio City.
Sa ulat ni Jasmine Gabriel Galban sa GMA Regional TV "Balitang Amianan" nitong Biyernes, sinabi ng pulisya na nawalan umano ng preno ang container van sa pababang bahagi ng Suello.
Nasalpok nito ang isang taxi at isang private van, bago sumalpok sa pader.
Nasawi ang driver at isang pahinante ng container van.
Isinugod naman sa ospital ang mga sakay ng private van pero binawian ng buhay ang isa sa kanila.
Wala namang nasaktan sa sakay ng taxi.
Patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad sa insidente.--FRJ, GMA News