Nagmistulang ilog ang ilang kalsada sa Dumaguete City sa Negros Oriental kasunod ng malakas na ulan.
Iniulat sa Unang Balita nitong Miyerkules na rumagasa ang maputik na tubig sa Barangay Banilad, at pinasok ng tubig-baha ang ilang mga bahay.
Umabot din umano hanggang tuhod ang baha sa highway kaya nahirapan ang mga motorista sa Barangay Buntis.
Ayon sa City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO), umapaw ang mga creek dahil sa mga pag-ulan.
Wala namang naitalang anumang pinsala dahil sa baha.
Samatala, inulan din ng malakas ang ilang lugar sa General Santos City sa Soccsksargen region at binaha ang Barangay Lagaw.
Ayon sa PAGASA, dulot ng easterlies at low-pressure area (LPA) ang mga nararanasang pag-ulan sa ilang bahagi ng Mindanao. —LBG, GMA News