Gumagamit na ang Cebu City local government unit (LGU) ng mortuary freezer para sa mga bangkay sa gitna ng pagtaas ng bilang ng mga namamatay sa COVID-19.

Sa ulat ni Cyril Chaves ng GMA Regional TV Cagayan de Oro sa Unang Balita nitong Huwebes, sinabing Martes nagsimula nang gamitin ang freezer.

Aabot sa 24 na bangkay ang maaaring pansamantalang ilagay sa loob ng mortuary freezer bago i-cremate ang mga ito.

Naitala ng Cebu City Emergency Operations Center na may 273 na nasawi sa COVID-19 sa siyudad nitong Agosto. —LBG, GMA News