Patay ang isang misis matapos siyang barilin umano ng kaniyang lasing na asawa sa kanilang bahay sa Sarrat, Ilocos Norte.

Sa ulat ng GTV "Balitanghali" nitong Martes, kinilala ang biktimang si Rizaly Aquino, na dead on arrival sa ospital.

Lumabas sa paunang imbestigasyon ng pulisya na nagtalo ang mag-asawa dahil sa pautang na nauwi sa pamamaril ng mister sa asawa.

Dinakip naman ang suspek na si Jesus Aquino, na dumepensang aksidente ang nangyari.

Inamin naman ng suspek na nakainom siya.

Nahaharap ang mister sa kasong parricide at illegal possession of firearms.-- Jamil Santos/FRJ, GMA News