Natagpuan sa isang gubat sa Sampaloc, Quezon ang 3-anyos na lalaking anim na araw nang nawawala.
Iniulat ng sa "24 Oras Weekend" nitong Sabado na hindi nakasama ang bata sa paguwi ng kanyang pamilya matapos magsimba noong ika-26 ng Marso.
Makalipas ang anim na araw, nakita ng mga opisyal ng bayan ang bata na nanghihina at nakatakip ng mga sanga ng kawayan sa isang gubat malapit sa bayan.
Agad naman siyang dinala sa pinakamalapit na pagamutan upang magpalakas, ayon sa ulat. —Consuelo Marquez/LBG, GMA News