Dinagsa ng mga tao ngayong Black Saturday ang mga beach sa Camarines Sur.

Nag-swimming kaagad, maaga pa lamang, ang maraming tao sa bayan ng Del Gallego.

Napag-alaman ng GMA News na ang iba ay Biyernes Santo pa lamang ay nasa beach na at dito na sila nagpalipas ng gabi.

 

Photos by Peewee Bacuño
Photos by Peewee Bacuño

Bata at matanda ay nag-enjoy sa matinding sikat ng araw. Malamig at malinis din ang tubig sa beach kung kaya’t halos ayaw nang huminto sa paglalangoy ng mga tao.

Nag-enjoy naman sa kainan, kuwentuhan, at inuman ang ibang hindi lumusong sa dagat.

 

Tiniyak naman ng may-ari ng resort na nasusunod ang health protocols sa beach. Lahat ng pumapasok ay kinukuha ang pangalan at sinusuri ang temperatura.

Nakabantay din ang mga kinawatan ng LGU sa mga naliligo.

Nilagyan ng safety net ng may-ari ng resort ang dagat upang hindi makapasok ang mga dikya na lubhang delikado sa mga tao.

Nakaugalian na ng mga tao ang paliligo sa dagat tuwing Semana Santa, lalo na sa Sabdo de Gloria.

 

Nagpag-alaman din ng GMA News na ang bayan ng Del Gallego ay wala ni isang COVID-19 case. —LBG, GMA News