Isang drug suspect na gumagamit daw ng marijuana bilang panlaban sa COVID-19 ang arestado sa Biñan, Laguna, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Lunes.
Limang kilo ng marijuana na nagkakahalaga ng P600,000 ang nakuha sa suspek na si Alaric Bay De Guzman Monsod.
Bagama't itinanggi ni Monsod na nagtutulak siya, inamin niyang gumagamit siya ng marijuana bilang panlaban daw sa COVID-19. Ito ay sa kabila ng wala pang ebidensiya na nakagagaling ng COVID-19 ang marijuana.
Ayon sa ulat ng Reuters, may mga pag-aaral na ang paghithit ng marijuana ay nagpapataas ng tsansa na magka-pneumonia o ibang impeksyon sa daluyan ng hininga. —KBK, GMA News