Patay ang isang barangay health worker sa San Jorge, Samar nang saksakin ito ng sariling mister.
Lasing umano ang suspek na nakilalang si Liberato Cabubas nang mangyari ang insidente, ayon sa ulat ng Unang Balita ng GMA News nitong Lunes.
Ayon sa imbestigasyon, may sinaksak pang tatlong tao ang suspek nang makasalubong niya ang mga ito habang siya'y tumatakas.
Sugatan ang tatlong taong iyon.
Tinutugis na ng mga pulis ang suspek. —KG, GMA News