Patay ang isang Grade 3 pupils sa Barangay Tamugan, Davao City matapos siyang mapagtripan at basta na lang tagain ng lasing na kapitbahay.

Sa ulat ng GMA Regional TV "One Mindanao" nitong Biyernes, hindi matanggap ni Arnold Doña ang sinapit ng nag-iisa niyang anak na si Jaylord, 10-anyos, sa kamay ng salarin na si Francisco Yap, 52-anyos.

Naglalakad lang umano ang biktima nang makasalubong si Yap at bigla na lang tinaga sa batok.

Nang malaman ng mga pulis ang nangyari, pinuntahan nila ang bahay ni Francisco pero nanlaban daw ito kaya napatay ng mga awtoridad.

Isinugod pa ospital si Francisco pero namatay din kinalaunan.

May nakita ring isang pakete ng marijuana sa kaniya.

Matapos makamit ang katarungan, humihingi naman ng tulong ang ama ni Jaylord para maipalibing ang kaniyang anak.--Bernadette Parco/FRJ, GMA News