Walong empleyado ng Civil Aviation Authority of the Philippines na nakabase sa Kalibo International Airport ang nagpositibo sa COVID-19.
Ayon sa tanggapan ng CAAP-Kalibo, ang anim na nagpositibo sa virus ay miyembro ng firefighting unit ng Aerodome Rescue and Firefighting, isang nurse at isang airport collector.
Posible umanong nakuha ng mga kawani ang COVID-19 sa mga umuwing Locally Stranded Individuals o LSI's kamakailan.
Bagaman may banta ng COVID-19, patuloy pa rin ang isinasagawang operasyon ng KIA para sa mga uuwing LSI na hahabol ngayong bagong taon.
Base sa record ng Provincial Epidemiology and Surveillance Unit hanggang nitong December 27, 2020, umabot na sa 422 ang naitalang kaso ng COVID 19 sa lalawigan, 55 dito ang aktibo at 13 ang namatay. --Jun N. Aguirre/FRJ, GMA News