KALIBO, Aklan—Umabot na sa 60 ang nagkaroon ng COVID 19 sa Purok 1, Laserna St ng bayan.
Ito ang lumabas sa resulta ng isinagawang community mass testing sa nasabing lugar kamakailan.
Dahil sa patuloy na pagtaas ng bilang ng kaso ng COVID-19 sa Kalibo nagka aberya ang molecular laboratory ng Dr. Rafael S. Tumbukon Memorial Hospital, kayat pansamantalang natigil ang paglabas ng COVID test results sa nasabing purok.
Ipinadala na lamang ng Provincial Health Office ang natitira pang 184 na swab specimen sa Iloilo upang ipagpatuloy ang pag-aaral sa mga sample mula sa community mass testing.
Naitala ang bayan ng Kalibo na isa sa top 20 na may bagong pinaka maraming kaso ng COVID sa bansa ayon sa datos ng Department of Health.
Sa tala noong December 1, 2020 umabot na sa 309 ang kaso ng COVID-19 sa Aklan kung saan 10 ang namatay, 112 ang active cases at ang natitira ay naka-recover na. —LBG, GMA News