Kung noong Miyerkules ay nakapagtala ang probinsya ng 87 bagong kaso ay 72 naman ang naitala ngayon lamang umaga.
Sa bayan ng Tagkawayan, Quezon, kabilang ang 1-anyos na baby sa sampung (10) kaso na naitala. Naka lockdown na ngayon ang ilang lugar sa Tagkawayan habang nagsasagawa ng contact tracing.
Ito ang kauna-unahang report ng community transmission sa bayan.
Nangunguna parin ang Lucena City sa may pinaka mataas na bilang nag kaso ng COVID-19 sa probinsya.
Umabot 3,997 na ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa lalawigan; 2,987 ang gumaling na at 113 naman ang nasawi.
Sa ngayon ay may 987 aktibong kaso ang lalawigan.
Nanawagan ang provincial health office ng Quezon na huwag sanang maging pasaway ang mga residente, ibayong pag-iingat at sundin ang lahat ng health protocols. —LBG, GMA News