Nagsasagawa ngayon ng forced evacuation sa limang barangay ang bayan ng Del Gallego, Camarines Sur na pinamumunuan ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office kasama si Mayor Melanie Abarientos.

Nasa tabing-dagat at malaking ilog ang nasabing limang mga barangay.

 

Photos by Peewee Bacuño
Photos by Peewee Bacuño

Ayon sa lokal na pamahalaan, prone sa pagbaha at storm surge ang naturang mga komunidad.

Nag-ikot nitong Sabado ng umaga ang mga pulis ng bayan upang magbigay ng babala sa lakas ng bagyo at posibleng pananalasa nito.

Nagsimula ang sapilitang paglikas pasado ala-una ng hapon, ayon sa mga awtoridad.

 

Kasama sa paglikas ang maraming mga bata, matatanda, at ang iba ay may kapansanan.

Nagtulong-tulong ang PNP, BFP at LGU sa paghahakot sa mga tao upang dalhin sa evacuation center.

Naiwan naman sa mga bahay-bahay upang magbantay laban sa mga kawatan ang mga lalaking nakatatanda at malakas ang pangangatawan.

Naabutan pa ng GMA News ang ilang mga lalaking na nagtatali ng kanilang bubong upang hindi liparin ng hangin. Ang iba naman ay naglagay ng malalaking bato upang gawing pabigat.

 

Ang mga bangkang pangisda ay isa-isa naring itinaas upang hindi abutin ng malalaking alon.

Aabot sa 1,200 pamilya na ang nasa evacuation center.

Ayon kay Mayor Abarientos, titiyakin niya na masusunod parin ang health protocol sa evacuation centers.

Binigyan na rin ng relief goods ang mga nasa evacuation centers ayon sa alkalde. —LBG, GMA News