Isang malaking sawa ang bumulaga sa mga residente sa isang barangay sa Daraga, Albay sa kasagsagang ng bahang dulot ng bagyong "Quinta."
Sa ulat ng GMA News TV "Quick Response Team" sinabing may haba na pitong talampakan ang sawa na lumutang sa baha sa Barangay Sipi sa Daraga.
Sa pagkabigla at takot ng mga residente, napatay nila ang sawa.
Paalala sa ulat, labag sa batas ang patayin sa mga wild animal.
WATCH: Malaking sawa, lumitaw sa binahang kalsada
Ilang linggo lang ang nakararaan, isang malaking sawa rin ang lumutang sa binahang kalsada sa Pagadian City.
Tatlong lalaki ang nagtulong-tulong para mahuli nang buhay ang sawa.--FRJ, GMA News