Suspendido ang pamamahagi ng modules sa Sultan Kudarat matapos na masawi sa COVID-19 ang isang guro.
Sa ulat ni Darlene Cay sa GMA News "Balitanghali" nitong Martes, sinabing nahawaan din ng guro ang kaniyang mga kasamahan.
Nagpadala na ng resolusyon sa gobernador ng lalawigan para ipanukala na ipagpaliban muna ang pasukan hanggang 2021.
Nakipagpulong na rin umano ang gobernador sa Department of Education.
Samantala sa Iligan City, ipinakita ng mga guro ang kanilang pagiging malikhain nang mag-operate sila ng sarili nilang radio station para sa distance learning ng mga estudyante.
Sinabing frequency modulated ang radio station ng paaralan, na ginagamit ng mga guro para ihatid ang leksyon sa mga mag-aaral.
Ayon sa kanila, malaking tulong ito para masuportahan ang modular learning sa lugar. -- Jamil Santos/FRJ, GMA News