Isang locally stranded individual (LSI) ang naging kauna-unahang kaso ng COVID-19 sa lalawigan ng Batanes.
Ayon sa pamahalaang panlalawigan, dumating ang LSI noong September 22, at asymptomatic ito o walang sintomas ng sakit.
Sa Facebook post nitong Martes, sinabi ng provincial information desk ng Batanes, na dumating ang pasyente sa lalawigan sakay ng Philippine Air Force.
"The patient is currently with no symptoms, however for precautionary measure, the patient is under strict isolation at the Batanes Resort and being strictly observed and managed," ayon sa pahayag.
Masusi rin umanong binabantayan ng COVID-19 Task Group ang mga nakasalamuha ng pasyente, maging ang iba pang dumating na LSI na naka-quarantine.
"In the meantime, we remind everyone to continuously observe minimum public health standards such as wearing of face masks and face shields, observe physical distancing and practice proper hygiene," ayon sa lokal na pamahalaan.
Nitong Lunes, pumalo na sa 307,288 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.--FRJ, GMA News